Ang Nawawalang Tadyang
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

October 11th, 2008

Hanggang don na lang...
POSTED AT 11:09 PM

Kagabi... isang malungkot na gabi...malamig,madilim,mapanglaw...

Magulo ang isip ni Tinay sa mga nangyayari s buhay nya sa ngayon. Maraming kulang kahit na marami nang bagay ang meron sya. Hay... ang buhay nga naman ng tao. Nagtext kagabi si Eman sa kanya. Kahit papano nawala ang lungkot ni Tinay dahil sa pakikiramay ni Eman. Hmmm, ano bang meron si Eman na wala sa iba?!?! Bakit kahit na maraming bagay ang wala kay Eman ay higit pa rin syang nakakalamang sa damdamin ni Tinay. Oo nga't nung nakaraang buwan ay halos wala na silang communication ni Tinay, ngunit kagabi sya lang ang nakaramay nito sa kanyang pag iisa. Kahit papano syempre, may pinagsamahan sila. Mananatili pa ring isang balikat na maaaring iyakan si Eman.

Batid ni Tinay ang katotohanang wala na sila ni Eman. At ganun rin naman si Eman. Pero kahit papano ay nananatili ang pagpapahalaga nila sa isat isa. Mahal pa ba ni Tinay si Eman? Mahal pa ba ni Eman si Tinay? Mahal pa ba nila ang isa't isa? Hmmm, ano pa talaga ang namamagitan sa kanila pagkalipas ng apat na taon?

Mananatiling special si Eman sa puso ni Tinay. Walang duda don. Sya ang unang lalakeng minahal ni Tinay. Ang corny pero first love never dies. HAHAHA...Pero sa panig ni Eman. Isang malaking katanungan pa rin kung ano pa ba si Tinay sa buhay nya. Mga tanong na hindi talaga masagot sagot at sa palagay ko ay mananatiling lihim na lang. Mananatiling nandyan lang si Eman para kay Tinay. Para suportahan sya. At ganun din si Tinay kay Eman. Hanggang don na lang...

Currently feeling: blank

1 whereabouts


tinay requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on October 12th, 2008 at 12:27 AM
ganun... sana si eman at tinay magkabalikan pa din... malay mo... hehe.

tinay
your name:

url:

your message: