Ang Nawawalang Tadyang
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

November 30th, 2008

Tuloy ang paghahanap...
POSTED AT 04:13 AM

Salamat na lang at holiday bukas. Sana palagi na lang holiday,hehehe. May isa pa akong plate na dapat at kelangang tapusin kaya lang as usual not in the mood pa ako. Whew! Medyo tinopak na naman kasi ako this week. Umabot sa point kung saan naguguluhan na naman ako sa mga bagay bagay na gusto ko at dapat kung gawin. At tulad ng dati feeling ko na naman e I am all alone in this planet earth. EMO! Ofcourse, kapag ganitong mood e isang bagay lang ang gamot,..soundtrip! Napagtripan ko ang soundtrack ng Twilight. Speaking of Twilight... shit! mahal ko na si Edward Cullen! Sana may totoong Edward na lang talaga.

Actually, Twilight week ngayon. Pero sad to say, hindi ko pa napapanuod. huhuhuhu,. e pano naman wala akong makajamming. Kelangang ko pang pumunta sa Manila para sumama sa mga dati kong ka-officemate or sa cousin ko. Mukhang hindi naman uso sa Batangas ang Twilight, hindi naman alam nung ka-officemate ko yun. Dahil nakita na nya akong nagbabasa ng ebook nung isang araw pero tinanong lang nya kung ano yung binabasa ko. Kung yayayain ko naman nanay ko, pede rin, kaya lang nung umuwi ako sa Laguna this weekend hindi maganda ang panahon. Maghapon na ngang umuulan pano pa ko lalabas??? Damn!

Balik na nga lang sa kwento, mapapanuod ko rin ang Twilight at magiging akin din si Edward., Nyahahaha...

Isang bagay na nakagulo sa akin, about sa status ko sa work. Ewan ko na nga lang sa mga tao dun sa office! Bahala sila basta ginagawa ko ang trabaho ko. Alam ko namang I cannot please everybody. Basta wala akong ginagawang masama. Tapos!!!

Next, yung pagtext ni Pako na magpapalit sya ng network. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabihan nya ako or malulungkot dahilnagpalit na sya ng network at ibig sabihin ba nun e, the end na? So, alin ang alin? Haysss... Nakakamiss na yung dati. Pero sad to say and I have to accept na wala na yun. Yun na yun! Hindi si Pako ang nawawalang tadyang kung saan ako nagmula.

Ikatlo, si Emmie.Kanina natawa ako nung iniinterview si Mylene Dizon ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz. ( ok hindi ako showbiz, nanay ko ang nanunuod,sabit lang ako! hehehe) Friends lang daw sila at friends pa rin sila ni Paolo Paraiso, but we all know na 5months preggy sya. Kung sa iba malabo pero sa totoo lang, may ganun talaga. Insert natin ang status namin ni Emmie. We're friends din. But we are.. hay mahirap talaga i-explain. Ganun talaga, mahal nyo isa't isa pero talagang hindi nyo pedeng isugal na maging commited dahil maraming bagay ang dapat isipin. I admit, up to now love ko pa si Em, at i still care for that guy. And at the same time ganun din sya. Kaso yun, hindi pa rin pede.

Inshort, wala pa rin yung tadyang kung saan ako galing. hayssssssss... in the search pa rin ako...


November 4th, 2008

Kagabi
POSTED AT 06:08 AM

Kagabi, habang pinaglalamayan ko ang aking hindi matapos tapos na trabaho. Naisipan kong tawagan si Pako para mangamusta. Ayon, hindi rin naman kami msyadong nakapagkwentuhan. Ewan ko nga ba? Malala talaga ang sayad ko dahil hindi naman ako masyadong nag iiimik dahil nakatuon pa rin ang isip ko sa ginagawa ko. At dahil sa makapangyarihang unli call ng sun cell, nagawa pa nyang mag concert / acoustic nightout. Ayon! tumugtog sya ng gitara at kumanta habang magkausap kami. Hindi ko alam kung may sumpa ba ako sa mga lalakeng tumutugtog ng gitara. Kung iisipin ay pang tatlo na si Pako na gumawa sa akin noon. Bakit ba nagkakataon palagi na kinakantahan ako sa phone ng mga hudas na lalakeng yan? Alam ba nilang isa yon sa mga kahinaan ko? Whahahaha! Pero magaling pala talaga syang mag gitara infairness, kahit mabali pa ang leeg nya sa pagkanta kagabi e ginawa naman nya. Awwww... sweet sweetan! Hehehe... kaya lang... parang hindi naman ako masyadong nasiyahan. Kasi nga kagabi na lang naman kami uli nagkausap. At sa mga nagdaang mga araw e parang wala lang naman ang lahat. Kaya medyo hindi na ko ganun ka excited kapag kausap o katext ko sya. Siguro nakaepekto din yung mga bagay na nalaman kotungkol sa kanya. Alam kong hindi ko naman sya dapat agad husgahan, at isang side pa lang naman ng kwento ang naririnig ko, pero medyo ilangna talaga ako sa kanya ngayon. Ang gulo ng buhay! Hayzzzzzzzzzzzzzz...........


November 1st, 2008

Weekend Habit
POSTED AT 06:08 AM

More or less, mga three weeks nang continuous uli ang communication namin ni Em. Medyo, masipag ata syang magpaload ngayon at mag text kaya every weekend magkausap kami. So, naging sya na talaga ang constant katext ko sa sun sim ko kahit na binili ko yon dahil kay Pako. Speaking of Pako, nawala na lang sya na parang bula. Mailap pa sa kulisap at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya kaya sa tinggin ko better leave him alone.

Back to Em. Ayon,.. text text, call call ang drama namin ng aking dating sing irog. Hay.. syempre, wala pa rin namang pahahantungan ang mga tagpong iyon. Nakakatawa lang dahil after all e sya pa rin ang nakakausap ko ng madalas. Actually, mas naging komportable na ako sa kanya ngayon. Lahat nasasabi ko, wala na ata akong nililihim sa kanya. I'm not sure if it is good or not pero yun ang stat namin ngayon.

Hindi naman mawawala ang maglambing ako sa kanya. Syempre I miss him. hehehe,... Single naman kami pareho, ano naman masama??? ex ko naman sya? Hmm, natural lang siguro yun... Bakit ba hindi pa magbalikan na lang? Para kaming sira no? Hay... pareho kaming may problema sa buhay namin ngayon. Takot ako sa responsibility, sya naman takot sa commitment. Parang pareho lang no? Ah, basta magulo! Sa isang bagay lang talaga kami magka-match. Ano yun? SECRET! hehehe,..

 

Currently feeling: blah


October 20th, 2008


POSTED AT 04:35 AM

Miss ko na si Eman... Hay..................................................................................

Kaya lang,. naiisip ko pa rin si Pako. Grabe! Matigas talaga ang isang yon.,daig pa ang bato.

Manhid ba talaga sya?

Bahala na nga.

Tulugan na!


October 18th, 2008

Si Tinay o Si Eman?
POSTED AT 10:53 PM

Isang rebelasyon ang sadyang ikinagulat ni Tinay kagabi. Habang sya ay namamahinga dahil sa pagod sa maghapon nagdaan. Naisipan nyang gamitin ang suncel sim upang tingnan kung merong nagtext. At hindi nga sya nagkamali, nagtext pala sa kanya si Eman. Kung tutuusin, kaya naman bumili si Tinay ng bagong sim card ay dahil kay Pako. Pero ang nangyari ngayon ay mas madalas pa nyang nakakausap ang kanyang dating sing irog.

Pagkatapos pa ng hapunan nareplyan ni Tinay si Eman. Nagkausap muli ang dalawang kaluluwang ligaw. Ngaung buwan na ito ay nagiging madalas na ang kanilang pag uusap. Nang mapunta ang kanilang usapan sa isang seryosong paksa. Labis na ikinagulat ni Tinay ang sinabi ni Eman. Tungkol ito sa nangyari noong nasa Batangas sila 5 buwan na ang nakakalipas. Isinama noon ni Tinay si Eman sa puntod ng kanyang ama dahil sa death anniversary nito. At dito rin ipinakilala ni Tinay si Eman sa ama. Hmm, sa harap ng nitso.

Hindi maintindihan ni Tinay kung bakit hanggang ngayon ay ipinipilit pa rin ni Eman ang gusto niyang mangyari kahit magkalayo na sila. Yun lang ba talaga ang nais ni Eman sa kanya? Bakit hindi nya iyon gawin sa iba gayong pwedeng pwede naman? Bakit pinipilit nya si Tinay sa kabilang ng katotohanang alam naman nyang hindi ito kayang gawin ng dalaga? Umaga na nang matapos silang mag usap. Ngunit wala pa rin naging tiyak na plano si Eman ganon din naman si Tinay.

Mahal ni Tinay si Eman. At masakit sa kanya ang ganitong sitwasyon. Kung maaari lamang niyang gawin iyon ay nagawa na niya, ngunit hindi talaga. Isa rin ito sa mga bagay na hindi maintindihan ni Tinay. Bakit ba hindi nya ito magawa ng aktwal sa binata gayong sinasabi nyang mahal nya ito? Marahil ito rin ang gumugulo sa isip ni Eman. Mahal sya ni Tinay at lahat ay ginagawa nito sa kanya maliban sa isang bagay. Isang bagay na matagal na nyang gusto ngunit hindi maibigay bigay ni Tinay. Naiintindihan naman nya kung natatakot ito kaya't hindi rin nya mapilit kahit nagkameron na rin sila ng ilang pagkakataon.

Ang tanong? Sino ang may problema? Sino ang makasarili? Sino ang may kasalanan? Si Tinay o si Eman?

Currently listening to: conspiracy
Currently feeling: drained


« Newer | »

tinay
your name:

url:

your message: